$

Let's help my fellow Karambolista Jojo Robles

 PASIG, PH
Raised: $ 10,538.37
Givers: 285
CLOSED FOR CONTRIBUTION
COMPLETED

Share this campaign
Nagpapagamot si Jojo since September 2018 at naka-ICU siya for the two months immediately preceding his passing. Malaki pa ang utang sa ospital e may naiwan pa siyang dalawang anak na nasa college pa. Nagbigay na ako pero kulang pa rin talaga.
Story
Updates
People & Links

Tinitingala ko si Jojo dahil natiis niyang hindi magpabayad ng suhol sa mahigit tatlong dekada niyang karir bilang mamamahayag. Pero dahil rin doon, sa mga huling sandali ng buhay niya, halos walang siyang ipon na maipangtutustos sa pagpapagamot.

Nagpapagamot si Jojo since September 2018 at naka-ICU siya for the two months immediately preceding his passing. Tambak-tambak pa ang utang sa ospital e may naiwan pa siyang dalawang anak na nasa college pa. Nagbigay na ako pero kulang pa rin talaga.

Doon sa mga reader ko na nakapansing matagal nang wala nang donation button sa ThinkingPinoy.net pero gustong magdonate sa blog, kahit ibigay niyo na lang po para kay Jojo dahil sa totoo lang, matagal na akong umayaw sa pagba-blog kung hindi ako tinuruan at ginabayan ni Jojo.

Tatay-tatayan ko 'yang si Jojo, sa totoo lang.

Maraming salamat po.

Doon po sa mga walang online payment options, puwede po kayong magpadala sa kanyang kapatid na si Ate Thelma Robles-Brizuela at eto po yung bank details:

Account holder: Thelma Robles Brizuela
Savings Account No. 000440331315
Bank: BDO
Branch: Megamall A

 

 

UPDATE SA FUNDRAISING FOR LATE KARAMBOLISTA JOJO ROBLES

Tinapos ko na po yung online campaign.

Maraming salamat po sa lahat ng mga nagmagandang-loob na tumulong sa mga naulila ng fellow Karambolista kong si Jojo A. Robles. Malaki po ang maibabawas nito sa mga natitira pa niyang mga bayarin sa ospital.

Dalawa po ang naging channels ng donation:

Una po yung mga donations na directly deposited sa bank account na umabot ng nasa humigit-kumulang Php 400,000. Nasa kamay na po ng pamilya ni Jojo ang halagang ito.

Pangalawa po yung mga donations na pinadaan sa fund-raising platform na GavaGives na umabot sa US$10,458 o humigit-kumulang Php 540,000.

May 7% processing fee po ang GavaGives kaya nasa Php 500,000 po ang final amount na maipapadala raw ito sa loob ng 2-3 business days. Sa bank account ko muna makapapasok ang halaga mula sa GavaGives dahil ako ang nag-umpisa ng fundraising campaign. Magfe-facebook live po ako next week sa page ko habang inaabot sa pamilya ni Jojo ang halaga mula sa Gavagives.

Suma total, sa loob po nang 24 oras, nakalikom po tayo ng halos isang milyong piso para kay Jojo.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong.

P.S. Doon po sa mga gusto pang humabol, puwede po kayong magpadala sa kanyang kapatid na si Ate Thelma Robles-Brizuela at eto po yung bank details:

Account holder: Thelma Robles Brizuela
Savings Account No. 000440331315
Bank: BDO
Branch: Megamall A

Maraming salamat po.

REY JOSEPH NIETO
 PASIG, PH
Contact Number:
Address:
Karambola Sa Dwiz 5f Citystate Center 709 Shaw Blvd Oranbo Pasig Metro Manila PH
About me:
I am RJ Nieto, publisher of the blog ThinkingPinoy.net and its associated social media accounts. I also have a radio show, Karambola, which airs weekdays 8-10 AM at DWIZ 882 AM.

Givers